No aircon
Believe it or not, dehins air-conditioned ang basketball venue sa Cambodia SEA Games.
At dahil halos pareho tayo ng weather doon, parang microwave oven sa init. Tagaktak ang pawis.
Nagtataka naman ako na walang air-conditioned basketball venue sa Cambodia.
Kung dito sa atin ‘yan, dehins uubra.
Eh kahit nga NCAA or UAAP or MPBL, dehins maglalaro sa non-aircon na venue.
Tapos, masama rin ang surface ng court.
Well, no use na umangal dahil nandoon na sila. Ang sabi ni coach Chot Reyes, lahat naman doon maglalaro.
Problema rin pala ng Gilas ang transportation sa Cambodia. Kailangan pa daw nila umarkila para may magamit.
May picture si coach, para silang sardinas sa loob ng sasakyan.
Pero nakangiti pa rin sila.
Parang wa-epek naman ang playing conditions dahil dinurog pa rin nila ang Malaysia kahapon.
Sa tingin ko, hindi ito ang problema ng Gilas sa SEA Games kung saan gusto nilang bawiin ang gold medal na nakawala sa Hanoi.
Yung mga naturalized players ng Cambodia at Indonesia ang malaking problema nila coach.
Dehins yung aircon.
- Latest