^

PSN Palaro

Lady Spikers puro na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Spikers puro na!
De La Salle University takes the game one of the UAAP Women's Volleyball finals, after defeating National University, 18-25, 25-22, 22-25, 25-21, 15-13, at the Smart Araneta Coliseum on Sunday.
STAR/Russell Palma

MANILA, Philippines — Nalusutan ng De La Salle University ang matikas na hamon ng defen­ding champion National University, 18-25, 25-22, 22-25, 25-21, 15-13, upang makalapit sa inaasam na kampeonato sa UAAP Season 85 women’s volleyball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bumandera sa matikas na kamada ng Lady Spi­kers si super rookie Angel Canino na humataw ng 21 puntos mula sa 19 attacks at dalawang aces kasama ang 14 receptions.

Nakuha ng La Salle ang 1-0 bentahe sa best-of-three championship series kung saan isang panalo na lamang ang kailangan nito para maibalik sa Taft-based squad ang korona.

“Nagharap na rin kami sa juniors and ganun pa rin kami sobrang competitive po namin pareho (ng NU),” ani Canino.

Nakatuwang ni Canino si middle blocker Thea Gagate na naglista ng 17 markers tampok ang apat na blocks habang nagdag­dag si Shevana Laput ng pitong puntos.

May tig-anim naman sina playmaker Mars Alba, Alleiah Malaluan at Jolina Dela Cruz habang lima ang nagawa ni Annie Provido.

Dominado ng Lady Bull­dogs ang attack line matapos magpako ng 70 hits kumpara sa 46 ng Lady Spikers.

Subalit nakagawa ang NU ng 34 errors habang matikas ang La Salle sa blocking department ta­ngan ang 16-4 edge.

Nasayang ang 28 puntos ni opposite spiker Alyssa Solomon gayundin ang 22 hits ni reigning MVP Bella Belen para sa Lady Bulldogs.

Lalaruin ang Game 2 ng serye sa Linggo.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with