^

Bansa

Pangulong Marcos: Mandatory na pagsusuot ng face mask pinag-iisipan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Mandatory na pagsusuot ng face mask pinag-iisipan
Passengers donning face masks patiently wait for the train at the United Nations Avenue Station in Manila on April 24, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pag-iisipan ng gob­yerno ang posibleng pagbabalik ng mandatory na pagsusuot ng face mask sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., umaasa ang gobyerno na hindi na tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

“We might have to think about it (mandatory na pagsusuot ng facemask) kung talagang… But ang ating --- ako ang tinitingnan ko is because although ‘yung rate of increase lumalaki, ang baseline natin na sini­mulan eh maliit lang so hopefully we’re still ano --- we’re still going to be able to do it,” ani Marcos sa panayam ng media habang sakay ng PR 001 patungong Amerika.

Sinabi rin ni Marcos na lumalabas na dapat muling i-push ang pagbabakuna para mabawasan ang nagkakaroon ng impeksiyon lalo na sumasabay pa ang mainit na panahon.

“But it looks like, we will have to conduct again, especially for young people, we’ll have to conduct again a vaccination push para mabawasan na ‘yan, para mabawasan ‘yan especially with people being a little bit, shall we say, nahihirapan na nga eh dahil sa init,” ani Marcos.

Ayon pa kay Marcos, mas humihina ang katawan ng tao dahil sa init kaya mas madali kapitan ng COVID-19.

“Humihina  ang katawan and that will make them more vulnerable to COVID again,” ani Marcos.

Idinagdag ni Marcos na titingnan din ang opinyon ng Inter-Agency Task Force at ng Department of Health tungkol sa mandatory na pagsusuot ng face mask.

“So we’ll look at it. Tingnan natin kung may guidance ang IATF, may guidance ang DOH. I think --- I hope we don’t have to but we might but I hope not,” ani Marcos.

Nauna nang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang pagtaas ng positivity rate ay dahil sa ilang salik factors, kabilang ang mobility ng populasyon tuwing holidays gayundin at ang bilang ng mga taong kumukuha ng COVID-19 test.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with