Lakers swak sa semis
Los Angeles — Tumikada si center Anthony Davis ng 16 points at 14 rebounds upang buhatin ang Lakers sa 125-85 panalo kontra Memphis Grizzlies sa Game 6 ng best- of-seven 1st round playoff.
May sahog pang limang blocks si Davis habang kumana si D’Angelo Russell ng career playoff-high 31 points para sa Los Angeles Lakers na sumampa sa second round ng Western Confence semifinals.
Tumabas din si basketball superstar LeBron James ng 22 markers mula sa 9-of-13 shooting para sa seventh-seeded Lakers na pinatalsik ang No. 2 seed na Grizzlies.
Pinagwagian ng Lakers ang tatlong home games sa nasabing serye at ayon sa mga NBA analysts na mahihirapan talunin ang purple & gold kapag nasa kundisyon ang pambato nilang sina James at Davis.
Hinawakan ng Lakers ang 17-point lead sa halftime, 59-42 at lumubo pa ito sa 36 puntos sa third canto kaya naman hindi na pinalaro sina James at Davis sa buong fourth quarter.
Hindi naman nakapag-ambag masyado sa puntos si Ja Morant matapos nitong magtala lamang ng 10 puntos para sa Memphis.
Samantala, bago sumampa sa playoffs ang Lakers ay dumaan ito sa play-in kung saan ay pahirapan nilang tinalo ang Minnesota Timberwolves.
Nag-aabang ang Lakers ng makakalaban sa susunod na phase sa pagitan ng Golden State Warriors at Sacramento Kings na nasagad ang kanilang banatan sa Game 7 matapos manaig ang huli sa iskor na 118-99.
Umiskor si Malik Monk ng 28 mula sa bench at nagdagdag si point guard De’Aaron Fox ng 26 para sa Kings, na bumalik sa playoffs sa unang pagkakataon mula noong 2006 at may pagkakataong kunin ang serye sa harap ng kanilang mga tagahanga sa kanilang balwarte sa Linggo.
- Latest