^

PSN Palaro

UST kinumpleto ang semis cast

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
UST kinumpleto ang semis cast
Pinagtulungan nina Eya Laure at Imee Hernandez ng UST na blangkahin ang spike ni Jovelyn Fernan- dez ng FEU. (UAAP Season 85 media team photo
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Napaamo ng Universi­ty of Santo Tomas ang Far Eastern University, 26-24, 22-25, 25-16, 25-23, para sagpangin ang huling tiket sa Final Four ng UAAP Season 85 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Sumulong ang Golden Tigresses sa 9-3 rekord para makasama sa semis ang De La Salle University Lady Spikers (11-1), defending champion National University Lady Bulldogs (9-3) at Adamson University Lady Falcons (9-4).

Muling naglatag ng ha­limaw na laro si team captain Eya Laure na buma­nat ng 28 points mula sa 23 attacks, tatlong aces at dalawang blocks para pamunuan ang UST sa panalo.

Solido ang suporta ni middle blocker Imee Her­nan­dez na nagpako ng 19 points kabilang ang tatlo sa kabuuang 10 blocks na naitala ng Golden Tigresses.

Nag-ambag sina Milena Alessandrini, Joana Per­dido at Regina Jurado ng tigpi-pitong puntos.

Minanduhan ni libero Det­det Pepito ang depensa matapos magtala ng 21 excellent digs at 18 receptions para sa Golden Tigresses.

“Now that we’re part of the Final Four, we’re going to target the top two so we can have a twice-to-beat incentive in the semifinals,” wika ni head coach Kungfu Reyes.

Laglag ang Lady Tamaraws sa 6-7 baraha.

Nanguna sa hanay ng FEU si Gerzel Petallo na may 11 points, 19 receptions at limang digs, samantalang may 12 mar­kers si Mitzi Paningin.

Sa men’s division, na­itakas ng FEU ang 25-21, 22-25, 21-25, 25-21, 15-10 panalo laban sa UST para manatiling buhay ang pag-asa sa Final Four.

Tumaas ang Tamaraws sa 7-6 rekord.

“Tiyaga pa. Iyong pa­nalo magandang sign para sa team, magandang pang­taas ng morale. I hope mabitbit namin sa next game,” sabi ni FEU coach Reynaldo Diaz.

UST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with