Lady Falcons, Tigresses magpapasolido sa No. 2

MANILAPhilippines —  Sisikapin ng Adamson University at University of Santo Tomas na mapatatag ang kapit sa No. 2 spot sa pagharap nito sa magkahiwalay na karibal sa pagpapatuloy ng UAAP Season 85 women’s volleyball tournament ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.

Makakasagupa ng A­damson ang University of the East sa alas-12 ng tanghali habang titipa­nin naman ng UST ang  A­teneo de Manila University sa alas-2 ng hapon.

Nakatali sa three-way tie sa ikalawang puwesto ang Adamson, UST at defending champion National University na pare-parehong may 7-3 marka.

Galing ang Lady Falcons sa masaklap na 24-26, 16-25, 22-25 kabiguan sa kamay ng Lady Bulldogs sa kanilang huling laro.

Aminado si rookie Trisha Tubu na marami silang pagkukulang sa naturang laro.

Ngunit kailangan nang mag move on at isentro ang kanilang atensiyon sa mga susunod na laro.

Kaya naman inaasa­hang ilalabas ng Lady Falcons ang buong lakas nito kontra sa wala pang panalong Lady Warriors.

Sa kabilang banda, mataas ang moral ng UST na siyang dumungis sa rekord ng La Salle.

Walang iba kundi si team captain Eya Laure ang magsisilbing lider ng Golden Tigresses.

Makakasama nito sina Milena Alessandrini, Imee Hernandez at Regina Jurado para madugtungan ang kanilang panalo.

Show comments