FESSAP National Quarterly Table Netfest
MANILA, Philippines — Naging matagumpay ang pagdaraos ng 2023 1st FESSAP National Quarterly Age-Group Table Tennis Championships sa Robinsons Place sa Las Piñas.
Sinabi ni tournament director at dating national champion at coach Julius Esposo na ang torneo ay bahagi ng FESSAP nationwide selection tournament para sa mga miyembro ng Philippine team na magpapadala sa all-FISU (International University Sports Federation) sanctioned event sa ibang bansa.
“Ipagpapatuloy natin ang ating tournament sa grassroots level para kilalanin ang sangkatauhan ng lahat at piliin ang mga karapat-dapat na atleta na makakasama natin sa FESSAP tournament sa ibang bansa,” ani Esposo.
Samantala, inangkin ni Cabrido ang ginto sa women’s class C laban kay Lovely Buensalido ng Pasig City.
Sa iba pang resulta, tinalo ni Liu Shiwen Garcia ng Bulakenyong Pingpongero si Isla Antaran ng PTTA sa Girls Hopes 10-under class, wagi si Aki Maminta ng Urdaneta City kay Rald Jaeden Tanghal ng Bulacan sa boys 13-under category.
Dinaig ni Jigyasa Cabrido ng Pasig si Keya Katricce Manada ng UST sa Girl Cadet 16-Under category.
- Latest