^

Police Metro

Sunog sa Taytay, 7 katao patay

Mer Layson - Pang-masa
Sunog sa Taytay, 7 katao patay
Halos wala nang mapapakinabangan na anumang ari-arian sa mga nasunog na bahay dito sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal na kung saan ay pito ang nasawi na pawang magkakamag-anak.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Patay ang pitong katao habang nasa 150 pamilya ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog, ka­makalawa sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-9:47 ng gabi kamakalawa nang sumiklab ang sunog sa Rosario St., ng nasabing barangay.

Ayon sa Taytay ­Acting Fire Marshal, F/Insp. Gary Raymon Cantillon, pitong katao ang nasawi sa naturang sunog habang isa ang nasugatan.

Hindi naman agad nakuha ang pagkaka­kilanlan ng mga biktima, ngunit sinasabing kabilang sa kanila ay isang dalawang taong gulang na sanggol at isang senior citizen na nasa 60-anyos.

Tinangka pa umano ng mga biktima na makalabas ng kanilang nasusunog na tahanan ngunit hindi nila nagawa dahil ang kanilang tahanan ay nasa dulo ng kalsada.

Natagpuan na lamang ng mga otoridad ang bangkay ng mga biktima sa kusina at banyo ng tahanan.

Umabot pa ng ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang nai­deklarang fireout, alas-11:05 ng gabi.

Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot sa 60 pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumupok sa 40 bahay habang tinata­yang nasa P1.5 milyon naman ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

Sinasabing isang electric fan na nag-overheat na ang posibleng sanhi ng sunog ngunit masusi pa itong iniimbestigahan sa ngayon

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with