Happy Easter

Araw ng Pagkabuhay ngayon.

At para mag-celebrate ang PBA, mamaya ang Game 1 ng Governors’ Cup finals sa Araneta Coliseum.

Ginebra vs TNT ang maghaharap sa best-of-seven.

Kanino ka?

Llamado ang Ginebra dahil ito ang favorite tournament nila. Naka-apat na title na ang Gin Kings sa Govenors’ Cup mula ng dumating si Justin Brownlee sa buhay nila noong 2016.

Never pa nag-champion ang TNT sa Governors’ Cup.

Pero bilog ang bola.

Kaya mataimtim din na mananalangin ang former Alaska import na si Sean Chambers na manalo ang TNT.

Pareho niyang kaibigan at kasama sa Alaska noon si coach Tim Cone ng Ginebra at coach Jojo Lastimosa ng TNT.

Pero bakit siya kampi sa TNT?

Tabla sila ni Brownlee na may six PBA titles. Kung mananalo ang Ginebra, lalamangan na siya ni Brownlee.

Simpleng dahilan kung bakit kay Jolas kampi si Chambers.

Walang personalan.

Show comments