Tenorio motivation ng Ginebra vs TNT sa finals

MANILA, Philippines — Wala man si LA Tenorio sa bench ng Barangay Ginebra sa pagsagupa sa TNT Tropang Giga sa kabuuan ng 2023 PBA Governors’ Cup Finals ay mananatili siya sa isip at puso ng defending champions.
Nagtungo ang ‘Iron Man’ ng PBA sa Singapore para sa unang bahagi ng kanyang six-month chemotherapy session sa nilalabanang Stage 3 colon cancer.
“It’s a cliche, it’s so much deeper than that, than just saying, we’re trying to win this for LA. So much deeper on so many levels,” sabi ni Gin Kings’ coach Tim Cone. “LA is one of those special guys, and he’s been special way back with me in Alaska, and even here.”
Noong Marso 21 ay ibinunyag ng 38-anyos na si Tenorio ang kanyang sinasagupang Stage 3 colon cancer na nagpahinto sa kanyang PBA record na 744 sunod na paglalaro simula nang piliin ng San Miguel bilang No. 4 overall pick noong 2006 PBA Draft.
Nauna nang sumailalim ang eight-time PBA champion guard sa isang surgery sa Singapore noong nakaraang buwan nang malaman ang kanyang medical condition.
Bagama’t may sakit ay naging bahagi si Tenorio ng coaching staff ng Ginebra sa pagharap sa San Miguel sa best-of-five semifinals series.
“He’s not involved in the day to day, with the coaching, because he’s not always here,” ani Cone kay Tenorio. “He’s doing treatments, so he’s not with us 100% of the time.”
May posibilidad na umuwi si Tenorio sa bansa sa pagharap ng Gin Kings sa Tropang Giga sa Game One sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
“He’s constantly with us, he’s constantly in our minds. He’s a presence that hovers over us all the time,” ani Cone. “Whether this happened to him or not, he’d still be an inspiration.”
- Latest