Valdez itinalagang team captain sa SEA Games

Alyssa Valdez

MANILA, Philippines — Itinalaga si Creamline outside hitter Alyssa Valdez bilang team captain ng national team na sasabak sa 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa Mayo.

Pormal nang inihayag ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang official lineup para sa biennial meet kung saan nangunguna sa listahan si Valdez.

Masaya si Valdez sa tiwalang ibinigay sa kanya lalo pa’t nagpapagaling pa ito sa kanyang injury.

“Honestly, I couldn’t, I’m really speechless. I was overwhelmed by it. I never really thought. I’m actually recovering from my injury and I think that’s one of my motivations also to be 100 percent come the SEA Games because of that responsibility as well,” ani Valdez.

Mas lalong magiging determinado si Valdez na magpagaling upang ma­ging 100 porsiyento ang kahandaan nito para sa SEA Games.

“You don’t wanna go there being not 100 percent so that’s one of my motivations (to recover). Honestly, I’m so happy not just to be the captain, but also to be part of the national team. I’m actually overwhelmed right now,” dagdag ni Valdez.

Nagpasalamat ito sa pamunuan ng PNVF ga­yundin sa national c­oaching staff dahil sa tiwalang i­binigay sa kanya.

Makakasama ni Valdez ang Creamline teammates nitong sina Jia De Guzman, Tots Carlos, Jema Galanza, Ced Domingo, Kyla Atienza at Michele Gumabao.

Kasama rin sina Chery Tiggo opposite spiker My­lene Paat, Choco Mucho wing spiker Kat Tolentino at middleblocker Cherry Nunag, PLDT libero Kath Arado at middle blocker Dell Palomata, at Cignal wing spiker Glaudine Troncoso at setter Gel Cayuna.

Show comments