TNT vs Ginebra sa finals

Mala-lintang depensa ang ibinigay ni TNT forward Paul Varilla laban kay Meralco import KJ McDaniels sa Game 4 ng PBA semis.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Kagaya ng sinabi ni TNT Tropang Giga interim coach Jojo Lastimosa, ang closeout game sa isang ser­ye ang pinakamahirap tapusin.

Nagawa ito ng Tropang Giga sa 107-92 pagsibak sa Meralco Bolts sa Game Four ng kanilang semifinals series kahapon sa Smart Ara­neta Coliseum.

Itinakda ng TNT ang best-of-seven cham­pion­ship showdown nila ng nag­dedepensang Barangay Ginebra.

Sa Abril 9 gagawin ang Game One.

Kumubra si import Rondae Hollis-Jefferson ng 42 points, 11 rebounds at 3 assists para sa 3-1 pagsasa­ra ng Tropang Giga sa ka­ni­lang best-of-five semis wars ng Bolts.

Umiskor si Calvin Ofta­na ng 21 markers kasama ang limang triples para sa TNT, habang may 17 at 16 points sina Mikey Williams at Roger Pogoy, ayon sa pag­kakasunod.

Pinamunuan ni import KJ McDaniels ang Meralco sa kanyang 37 points, 12 boards at 4 assists at ku­mo­lekta si Aaron Black ng 19 markers, 7 assists at 5 rebounds.

Ilang beses nagtayo ang Tropang Giga ng double-digit lead bago nakawala sa 103-92 sa huling 1:43 minuto ng fourth quarter.

Ang dalawang free throws ni Hollis-Jefferson ang nagbigay sa TNT ng 107-92 abante.

Show comments