Grizzlies sinakmal ang playoff seat sa West

MEMPHIS, Tenn. — Nagposte si Luke Kennard ng bagong franchise-record na 10 three-pointers para duplikahan ang kanyang career high na 30 points sa 151-114 pagmasaker ng Grizzlies sa Houston Rockets.

Nag-ambag si Desmond Bane ng 25 points para sa pagsikwat ng Mem­phis (46-27) sa isang playoff spot sa Western Conference.

Si Kennard, nahugot mula sa Los Angeles Clippers sa isang trade deadline deal noong Pebrero 9, ang ikalawang player sa NBA history na umiskor ng 30 points na galing lahat sa 3-pointers.

Tumipa si Ja Morant ng 18 points at 8 assists sa kanyang ikalawang laro mula sa isang eight-game league-imposed suspension.

Umiskor si Tari Eason ng 21 points para sa Houston (18-56).

Sa Salt Lake City, humataw si Grayson Allen ng season-high na 25 points sa 144-116 paglampaso ng Milwaukee Bucks (53-20) sa Utah Jazz (35-38).

Sa Los Angeles, nag­lista si Anthony Davis ng 37 points at 14 rebounds sa 116-111 paggiba ng Lakers (37-37) sa Oklahoma City Thunder (36-38).

Sa New York, kumonekta si Jayson Tatum ng 34 points at nagtala ng bagong franchise record sa kanyang ika-40 na 30-point game ngayong season sa 120-95 panalo ng Boston Celtics (51-23) sa Indiana Pacers (33-41).

Show comments