Tenorio lumalaban sa stage 3 colon cancer
MANILA, Philippines — Ito na siguro ang pina-kamabigat na laban na hinaharap ngayon ni Barangay Ginebra veteran point guard LA Tenorio.
Sa isang official statement kahapon ay inamin ni Tenorio na mayroon siyang stage three colon cancer at sumailalim sa isang surgery noong nakaraang linggo.
“The initial testing three weeks ago led me to instantly miss practices and games. I have completed my surgery last week and will soon undergo treatment for the next few months,” sabi ng 38-anyos na tubong Nasugbu, Batangas.
Kinilala si Tenorio bilang PBA ‘Ironman’ dahil sa kanyang record na 744 sunod na paglalaro simula nang kunin ng San Miguel bilang No. 4 overall pick noong 2006 Rookie Draft.
Hindi na niya ito naituloy noong Marso 1 nang mawala sa hardcourt sa pagharap ng Ginebra sa Meralco.
“I have given not only 17 full years to the PBA, but have dedicated my whole life to basketball. I have committed my body and health for the love of the game. It has been my passion and love,” ani Tenorio.
“Sadly, there are things beyond one’s control.”
Kumpiyansa ang eight-time PBA champion na makakarekober siya at muling makakapaglaro.
“But with my FAITH, I am lifting everything to God now and I believe there is a higher purpose as I go through this part of my life. I am not yet retiring from the game I love, and with the help of the best doctors in the Philippines and Singapore, I BELIEVE i can touch a basketball once more and return stronger,” ani Tenorio.
- Latest