Super Semis

Semis pa lang, ulam na!

Wala naman script na sinunod pero magtatapat sa semis ng PBA Governors’ Cup ang Ginebra at San Miguel.

Tinalo kasi ng No. 2 SMB ang No. 7 Converge at dinurog naman ng No. 3 Ginebra ang No. 6 NLEX noong Linggo.

At dahil twice-to-beat ang SMB at Ginebra, diretso sila sa best-of-five semis. Parang finals.

Bukas magpapatuloy ang quarterfinals kung saan lalabanan ng No. 1 TNT ang No. 8 Phoenix at No. 4 Meralco kontra No. 5 Magnolia.

Twice-to-beat ang TNT at Meralco.

Kaya kung mananalo sila pareho bukas, maghaharap sila sa sarili nilang best-of-five semis.

Ibig sabihin, sister teams vs sister teams sa semis.

Kumbaga, magpapatayan ang parehong teams na pag-aari ng SMC Group at MVP Group.

Ang maganda lang kung mangyayari ito, siguradong dehins magka-kwadra ang maghaharap sa best-of-seven finals.

Natural, lahat ‘yan gusto umabot sa finals at gusto mag-champion.

Pero ngayon pa lang, parang nakikita ko na ang isa na namang blockbuster finals.

Kung nandun ang Ginebra.

Show comments