MANILA, Philippines — Kumpara sa mga nakaraang PBA All-Star Game, matinding depensa mula umpisa hanggang katapusan ang ipinakita ng Team Scottie at Team Japeth kahapon sa City of Passi Arena sa Passi, Iloilo.
Itinakbo ng Team Japeth ni Japeth Aguilar ang dramatikong 140-136 panalo kontra sa Team Scottie ni Scottie Thompson sa pagbabalik ng event matapos ang tatlong taon dahil sa pandemya.
Kumonekta si Paul Lee ng 32 points tampok ang pitong four-point shots para banderahan ang Team Japeth.
Hinirang si Lee bilang PBA All-Star Game Most Valuable Player dalawang araw matapos tanghaling Three-Point Shootout champion.
“I think this is something special. I think the players felt that and that showed up in their game,” sabi ni coach Tim Cone ng Team Japeth.
Sinapawan din ng Team Japeth sa likod ni choreographer Arwind Santos ang Team Scottie sa dance-off competition.
Bigo naman sina Perez at Thompson na maipasok ang kanilang tira sa hangaring maitabla ang Team Scottie.
Samantala, nangako si PBA Commissioner Willie Marcial na magdaraos ng isang regular PBA game sa Passi.