Lady Spikers hinataw ang 5-0

DLSU interim head coach Noel Orcullo speaks to his players during a timeout in their game against UE in the UAAP Season 85 women's volleyball tournament at the Smart Araneta Coliseum.
UAAP

MANILA, Philippines — Wala pa ring bahid ang De La Salle University matapos ilampaso ang Far Eastern University, 25-16, 25-18, 25-21, upang mapatatag ang kapit sa solong pamumuno sa UAAP Season 85 women’s volleyball tournament ka­hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakaratsada nang husto ang Lady Spikers sa tulong ni team captain Mars Alba na naglatag ng 19 excellent sets para sa kanilang ika-limang sunod na panalo.

Dahil sa solidong laro ni Alba, apat na miyembro ng Lady Spikers ang nagtala ng double digits kabilang na si middle blocker Thea Gagate na may 13 points mula sa siyam na attacks, dalawang blocks at dalawang aces.

Hindi rin maawat si super rookie Angel Canino na may 13 hits, walong eight excellent receptions at pitong digs at may tig-10 markers na­man sina Leila Cruz at Jo­lina Dela Cruz.

Laglag ang Lady Tamaraws sa 2-3 baraha para sa pang-limang puwesto.

Show comments