^

PSN Palaro

Lakers diniskaril ang pagbabalik ni Curry

Pilipino Star Ngayon
Lakers diniskaril ang pagbabalik ni Curry
Ginawang asintahan ni Anthony Davis ng L.A. Lakers si Anthony Lamb ng Golden State Warriors.
STAR/File

LOS ANGELES — Nagsalpak si Anthony Davis ng 39 points, kasama ang 12 sa fourth quarter, para gabayan ang Lakers sa 113-105 panalo sa nag de­depensang Golden State Warriors.

Ito ang ikatlong pagka­ka­taon ngayong season na umiskor si Davis ng mahigit sa 39 points para sa Los Angeles (31-34) na naglaro na wala si LeBron James (foot tendon injury).

Nagdagdag si Austin Reaves ng 16 points, habang may 14 markers si Troy Brown, Jr.

Nagwakas naman ang five-game winning streak ng Golden Sate (34-31) na itinampok ang pagbabalik ni Stephen Curry.

Nagkaroon si Curry ng left leg injury at hindi sumalang sa 11 laro ng defending champions.

Iniskor niya ang 19 sa kanyang 27 points sa fourth quarter kung saan sila na­ka­dikit sa Lakers sa 101-103 sa huling 1:46 minuto sa fourth period.

Ang dalawang free throws at floater n Davis ang muling nagtaas sa Los Angeles sa 107-101 sa natitirang 48.9 segundo.

Sa Dallas, kumamada si Kevin Durant ng 37 points, kasama ang go-ahead jumper, sa 130-126 pagdaig ng Phoenix Suns (36-29) sa Mavericks (33-32).

Sa Chicago, tumipa si Tyrese Haliburton ng 29 points, tampok ang triple sa huling 2.7 segundo, sa 125-122 pagtakas ng Indiana Pacers (29-36) sa Bulls (29-36).

Sa Boston, humataw si Immanuel Quickley ng career-high na 38 points pa­ra sa 131-129 double overtime victory ng New York Knicks (39-27) kontra sa Celtics (45-20).

ANTHONY DAVIS

LAKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with