^

PSN Palaro

Chery tiggo patitibayin ang kapit sa liderato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Chery tiggo patitibayin ang kapit sa liderato
Mika Reyes at Mylene Paat

MANILA, Philippines — Target ng Chery Tiggo na mapatatag ang kapit sa solong pamumuno sa pagharap nito sa PLDT Home Fibr sa pagpapatuloy ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Fi-lipino Conference ngayong araw sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Maghaharap ang Crossovers at High Speed Hitters sa alas-6:30 ng gabi matapos ang duwelo ng Philippine Army at Akari Chargers na mag-uunahan na makuha ang unang panalo.

Namamayagpag sa tuktok ng standings ang Crossover tangan ang malinis na 3-0 rekord kabuntot ang F2 Logistics at Creamline na parehong may 3-1 marka.

Solido ang inilalaro ni team captain Mylene Paat para dalhin ang Crossovers sa kasalukuyang kinalalagyan nito.

Subalit maganda rin ang kumbinasyon nina playmaker Alina Bicar at libero Buding Duremdes para makabuo ng solidong plays sa kanilang mga attackers.

Maliban kay Paat, aasahan din sina EJ Laure, Shaya Adorador, Czarina Carandang at Ponggay Gaston.

Mataas ang moral ng Chery Tiggo na sariwa pa sa 25-19, 25-14, 25-16 demolisyon sa F2 Logistics sa kanilang huling laro.

“We will keep on studying, we’re going to work on our conditioning, we have to prepare. They had a five-setter match against F2 so we can’t be complacent,” ani Chery Tiggo head coach Aaron Velez.

Walang balak mag pakampante ang Crossovers upang mas lalo pang mapalakas ang tsansa nito sa semis.

“I remind them all the time that we’re only as good as our last game. We just have to keep on learning and strive for excellence all the time,” ani Velez.

Sa kabilang banda, galing naman ang High Speed Hitters sa 25-19, 25-12, 25-21 panalo kontra sa Lady Troopers.

Magiging armas ng PLDT sina middle blockers Mika Reyes at Dell Palomata kasama sina Mean Mendrez at Kath Arado.

“We’re still far from our desired performance. The goal is to improve. We’re happy to finally get one win but we still have a lot to do. The game against Chery Tiggo is a tough challenge but we’ll prepare for it,” ani High Speed Hitters head coach Rald Ricafort

 

CHERY TIGGO

MIKA REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with