Maryhill College sweep ang 2 laro sa PNVF U18 tilt

Ipinagdiwang ng Maryhill College team members ang kanilang panalo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Winalis ng Maryhill College ang kanilang mga laro sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championships sa Rizal Memorial Sports Complex.

Noong Sabado ay tinalo ng Maryhill College ang Junction Youth Organization (JYO) ng Los Baños, 25-14,25-20, at isinunod ang New Gen Volleyball Club ng Santa Cruz (Laguna), 25-8, 25-10, kahapon.

May 2-0 record ngayon ang Maryhill College sa girls’ Pool A.

“Everybody struggled and adjusted in our first game last Saturday, but we performed better today (Linggo),” wika ni Maryhill College coach Joannes Rey Supnit sa pag-uwi ng kanyang koponan sa Lucena at pagbalik sa Manila para sa mga laro.

“It’s amazing to see the enthusiasm of these girls from the provincial teams,” ani PNVF president Ramon “Tats” Suzara. “The federation is inspired by their love of our sport.”

Naging sandigan ng koponan ang mga 17-anyos na sina team captain Claire Castillo, Icon Maravilla at Closer Losloso sa torneong suportado ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission, PLDT, Rebisco at Akari.

Naglista rin ng 2-0 marka ang Volida Volleyball Club sa Pool D at ang California Precision Sports ng Antipolo City sa Pool C.

Show comments