^

PSN Palaro

TNT bagong import ang ihaharap sa Blackwater

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT bagong import ang ihaharap sa Blackwater
TNT import Rondae Hollis-Jefferson

MANILA, Philippines — Bagama’t maganda ang inilalaro ni import Jalen Hudson ay pinalitan pa rin siya ng TNT Tropang Giga.

Ipaparada ng Tropang Giga ang bagong hugot na si Rondae Hollis-Jefferson sa pagsagupa sa Blackwater Bossing ngayong alas-3 ng hapon sa 2023 PBA Governors’ Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inihatid ni Hudson, nag­lista ng mga averages na 33.8 points, 9.3 rebounds at 4.1 assists, ang TNT sa magandang 5-1 record kasama ang 131-109 panalo sa Terrafirma (2-3) noong Sabado.

Si Hollis-Jefferson ang 2015 NBA Draft first round pick ng Brooklyn Nets at naglaro din para sa Toronto Raptors at Portland Trail Blazers at kumampanya para sa Korean ballclub na Jeonju KCC Egis.

Itatapat naman ng Bossing si dating NBA campaigner Troy Williams na humahataw ng mga a­verages na 47.5 points, 13.5 rebounds at 5.5 assists sa dalawa niyang laro bilang kapalit ni Shawn Glover.

Nakalasap ang Blackwater (1-5) ng 117-122 kabiguan sa Rain or Shine (1-4) noong Linggo.

“May spurts na effective pero mga pang-kick out kailangang ma-recognize niya kasi ginawa ng Rain or Shine dino-double or triple-team na siya. Hindi niya nakita iyong mga dapat kick-out na lang niya,” ani coach Ariel Vanguardia kay Williams.

Sa ikalawang laro sa alas-5:45 ng hapon ay magtutuos naman ang San Miguel (5-1) at NorthPort (0-5).

Namantsahan ang da­ting malinis na baraha ng Beermen nang makatikim ng 103-107 kabiguan sa Converge FiberXers (5-1) noong Sabado habang ang unang panalo ang inaasam ng Batang Pier.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with