^

PSN Palaro

Ginebra diretso sa 3-0

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra diretso sa 3-0
Dinakdakan ni Ginebra import Justin Brownlee si Arvin Tolentino ng NorthPort.
PBA Image

Hester pinatikim ng panalo ang Magnolia

MANILA, Philippines — Itinuloy ng nagdedepen­sang Barangay Ginebra ang matikas na pagka­ma­da sa tat­lo.

Tumipa si import Jus­tin Brownlee ng triple-double na 22 points, 15 rebounds at 12 assists sa 115-100 pag­gupo ng Gin Kings sa NorthPort Batang Pier sa 2023 PBA Governors’ Cup ka­hapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Umiskor si Jamie Ma­lonzo ng 28 markers at may 18, 16 at 12 points sina Nards Pinto, Jeremiah Gray at Aljon Mariano, ayon sa pagkakasunod, para sa 3-0 record ng Ginebra.

Hindi naglaro ang mga may injury na sina Japeth Aguilar at Christian Stand­har­dinger.

Nagkaroon naman ng in­jury si Raymond Aguilar sa first half.

Lagpak ang NorthPort sa 0-5 sa kabila ng ipinukol na 38 points ni import Kevin Murphy at 30 markers ni Ro­bert Bolick.

Inilista ng Batang Pier ang 25-15 abante sa first pe­­riod bago nakabangon ang Gin Kings at itinayo ang 91-78 bentahe sa 9:31 mi­nuto ng fourth quarter.

Tuluyan nang kuma­wa­la ang Ginebra nang iposte ang 109-91 kalama­ngan sa huling 2:24 minuto mula sa free throw ni Ma­lon­zo.

Sa unang laro, humakot si balik-import Antonio  Hester ng 28 points, 12 re­bounds at 6 assists para akayin ang Magnolia (1-3) sa 108-95 pagpapatumba sa Phoenix (1-5).

Si Hester, datng nag­laro para sa Terrafirma, ang su­malo sa trabaho ni Erik McCree.

Tatlong araw lamang ang naging preparasyon ni Hester para sa una niyang laro matapos bumandera para sa Zamboanga Va­lien­tes sa Asean Basketball League.

“Medyo nag-a-adjust pa ito,” sabi ni coach Chito Victolero sa bago nilang im­port. “Good thing, three days of practices with us iyong defensive scheme and offensive scheme namin nagawa niya kaagad.”

Sa likod ni Hester ay iti­nayo ng Hotshots ang 58-36 halftime lead na ka­nilang pinalaki sa 87-60 sa third period.

Mula rito ay hindi na na­kabawi ang Fuel Masters.

Nag-ambag si Mark Barroca ng 18 markers pa­ra sa Magnolia at may 18, 14 at 12 points sina Cal­vin Abueva, Paul Lee at Jerrick Ahanmisi, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor lamang si import Du’vaughn Maxwell ng 11 points bukod sa 10 rebounds at pito sa kabuuang 19 turnovers ng Phoenix.

Pinamunuan ni forward Ja­son Perkins ang Fuel Mas­ters sa kanyang 20 points, habang may 15 at 13 markers sina Larry Mu­yang at Tyler Tio, ayon sa pagkakasunod.

 

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->