^

PSN Palaro

Celtics lusot sa Warriors

Pilipino Star Ngayon
Celtics lusot sa Warriors
Pinilit ni Warriors’ guard Stephen Curry na pigilan ang salaksak ni Jayson Tatum ng Celtics.

BOSTON — Nagpasabog si Jayson Tatum ng 34 points bukod sa career-high na 19 rebounds para akayin ang Celtics sa 121-118 overtime win sa nagdedepensang Golden State Warriors sa kanilang finals rematch.

Nag-ambag si Jaylen Brown ng 16 points, kasama ang isang three-pointer sa huling 19 segundo sa regulation na nagdala sa Boston (34-12) sa extra period.

Binanderahan ni Stephen Curry ang Golden State (22-23) sa kanyang 29 points, habang may tig-24 markers sina Jordan Poole at Klay Thompson.

Tinapos ng Celtics ang kanilang four-game losing skid sa Warriors kasama ang tatlo sa nakaraang NBA Finals at ang una sa regular-season rematch noong Disyembre.

Iniskor ng Boston ang unang apat na puntos sa ex­tension kasunod ang da­lawang free throws ni Draymond Green at triple ni Curry para sa 111-110 abante ng Golden State.

Ang floater ni Brown at tres nina Al Horford at Tatum ang naglayo sa Celtics sa 118-111 sa huling 1:26.

Nakadikit naman ang Warriors sa 118-121 bago malasin si Poole sa kanyang half-court shot.

Sa Phoenix, tumipa si Mikal Bridges ng 28 points para igiya ang Suns (22-24) sa 117-112 panalo sa Brooklyn Nets (27-17).

Sa Portland, humakot si star center Joel Embiid ng 32 points para sa 105-95 pagsagasa ng Philadelphia 76ers (29-16) sa Trail Bla­zers (21-24).

Sa Minneapolis, hinugot ni D’Angelo Russell ang 16 sa kanyang 25 points sa fourth quarter sa 128-126 pagtakas ng Minnesota Timberwolves (23-24) sa Toronto Raptors (20-26).

Sa Paris, nagsalpak si Zach LaVine ng 30 points para pamunuan ang Chicago Bulls (21-24) sa 126-108 paggupo sa Detroit Pistons (12-36).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with