Ildefonso nagpasikat sa Korean League

Dave Ildefonso (left)
Facebook / Suwon KT Sonicboom

MANILA, Philippines — Pinatunayan ni Dave Ildefonso na may ibubuga siya sa 2023 Korean Basketball League (KBL) matapos tulu­ngan ang Suwon KT na pataubin ang Seoul Samsung, 77-66, sa Seoul, South Korea.

Naglaro si Ildefonso sa loob ng 17 minuto at 30 segundo kung saan nagtala siya ng 2-of-4 shooting para makakuha ng limang puntos at apat na rebounds.

Maagang naglatag ng puwersa ang Sonic Boom nang gulpihin ang Thunders sa first quarter, 29-12.

Ipinagpatuloy ng Sonic Boom ang ratsada sa mga sumunod na yugto para makuha ang panalo.

Umangat ang Sonic Boom sa 14-17 rekord para sa pang-pitong puwesto, habang nanatili naman sa ilalim ng standings ang Thunders na nalaglag sa 10-22 kartada.

Nanguna para sa Sonic Boom si Jarrod Jones na humataw ng 15 points.

Nag-aambag si dating PBA import Lester Prosper ng anim na puntos at 10 boards.

Sunod na haharapin ng Sonic Boom ang SK Knights ngayong araw sa Suwon KT Arena.

Show comments