Ildefonso nagpasikat sa Korean League
MANILA, Philippines — Pinatunayan ni Dave Ildefonso na may ibubuga siya sa 2023 Korean Basketball League (KBL) matapos tulungan ang Suwon KT na pataubin ang Seoul Samsung, 77-66, sa Seoul, South Korea.
Naglaro si Ildefonso sa loob ng 17 minuto at 30 segundo kung saan nagtala siya ng 2-of-4 shooting para makakuha ng limang puntos at apat na rebounds.
Maagang naglatag ng puwersa ang Sonic Boom nang gulpihin ang Thunders sa first quarter, 29-12.
Ipinagpatuloy ng Sonic Boom ang ratsada sa mga sumunod na yugto para makuha ang panalo.
Umangat ang Sonic Boom sa 14-17 rekord para sa pang-pitong puwesto, habang nanatili naman sa ilalim ng standings ang Thunders na nalaglag sa 10-22 kartada.
Nanguna para sa Sonic Boom si Jarrod Jones na humataw ng 15 points.
Nag-aambag si dating PBA import Lester Prosper ng anim na puntos at 10 boards.
Sunod na haharapin ng Sonic Boom ang SK Knights ngayong araw sa Suwon KT Arena.
- Latest