^

PSN Palaro

Brownlee ganap nang Pilipino

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Brownlee ganap nang Pilipino
Justin Brownlee.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ganap nang Pilipino si Justin Brownlee matapos itong manumpa sa harap ni Sen. Francis Tolentino sa opisina nito sa Philippine Senate sa Pasay City.

Kailangan na lamang ni Brownlee ng certification of naturalization mula sa Bureau of Immigration and Deportation at ang Philippine passport mula sa Department of Foreign Affairs na gagamitin nitong patunay ng kanyang pagi­ging naturalized.

“As a citizen, I will try my best to make the Filipino people proud. I want to keep making you guys proud and to do whatever I can to help the national team,” ani Brownlee.

Inaasahang makukumpleto ito ni Brownlee sa mga susunod na araw sa tulong ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Minamadali ito ng SBP dahil sasalang agad si Brownlee kasama ang Gilas Pilipinas sa sixth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero.

Haharapin ng Gilas Pilipinas ang Lebanon sa Pebrero 24 kasunod ang Jordan sa Pebrero 27 sa labang parehong gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

“I feel great and I’m pretty excited to be representing the country,” wika pa ni Brownlee na suot ang tradisyunal na Barong Tagalog sa kanyang pa­nunumpa.

Malaking karangalan para kay Brownlee na ma-ging bahagi ng Gilas Pilipinas lalo pa’t napamahal na ito sa Pilipinas sapul nang tumuntong ito sa kampo ng Barangay Ginebra.

Kamakailan lamang ay tinulungan ni Brownlee ang Gin Kings na makopo ang Commissioner’s Cup title.

“Representing Ginebra, of course, is a huge thing; it’s a big deal as far as basketball is concerned over here in the Philippines. But representing the country is an even bigger deal. That’s why in that series (against Bay Area), it felt like we were representing the whole country,” ani Brownlee.

Plano ni national coach Chot Reyes na masimulan ang ensayo ng Gilas Pilipinas  sa Lunes.  (Chris Co)

MILWAUKEE -- Humataw si guard Jrue Holiday ng season-high na 37 points para pamunuan ang Giannis Antetokounmpo-less na Bucks sa 130-122 pagpapatumba sa Toronto Raptors.

Naglaro ang Milwaukee (29-16) na wala ang may injury na si Antetokounmpo (left knee soreness) sa ikaapat na sunod na pagkakataon.

Nagdagdag si Grayson Allen ng 25 points tampok ang apat sa kabuuan nilang 19 three-point shots at may 19 markers si center Brook Lopez

Pinamunuan ni guard Fred Van Vleet ang Toronto (20-25) sa kanyang 39 points.

Sa Denver, kumolekta si center Nikola Jokic ng 36 points, 12 rebounds at 10 assists para sa kanyang ika-13 triple-double sa season at akayin ang Nuggets (31-13) sa 122-113 panalo sa Portland Trail Blazers (21-23).

Kumonekta ang two-time reigning NBA MVP ng magandang 13-of-14 field goal shooting para sa Wes­tern Conference-leading na Denver na nakahugot kina Michael Porter Jr. at Jamal Murray ng 23 at 17 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sa Los Angeles, humakot si center Joel Embiid ng 41 points para ihatid ang Philadelphia 76ers (28-16) sa 120-110 paglunod sa Clippers (23-23).

Sa San Antonio, naghulog si Keldon Johnson ng career-high na 36 points at 11 rebounds para tulungan ang Spurs (14-31) sa 106-98 paggiba sa Brooklyn Nets (27-16).

MVP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with