^

PSN Palaro

Matitikas na swimmers bakbakan sa SLP-Mindanao Swim Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Matitikas na swimmers bakbakan sa SLP-Mindanao Swim Cup
SLP standout Madi Moj­deh.
Chris Co

MANILA, Philippines — Magbabakbakan ang pina­kamahuhusay na swim­mers sa bansa sa pag­larga ng Mindanao Swim Series 1-Davao Del Sur  Cup sa Enero 14 hanggang 15 sa Davao del Sur Sports Complex swimming pool sa Matti, Digos City.

Layunin ng Swim Lea­gue Philippines na ma­ka­tuklas ng mga ta­lentong isasabak sa mga international tournaments kabilang na ang Southeast Asian Games at ilan pang mala­laking torneong lalahukan ng asosasyon.

Mahigit 350 tankers na ang kumpirmadong lalahok na galing pa sa 20 probinsiyang dumayo pa sa Davao City para makahirit ng tiket sa national team na binu­buo ng SLP.

“We’re happy and proud to our Mindanaoan brothers who always supporting our grassroots program. Kasama kami sa panawagan na pagkakaisa para maisulong ang tunay na reporma sa swimming at sa pamamagitan ng mga torneo na ito, mapapatunayan natin na we value our young talents in Mindanao,” ani SLP president Fred Ancheta.

Maliban sa SEA Ga­mes, puntirya ng SLP na bumuo ng solidong ko­ponan na ilalaban sa Summer World University Games o Universiade sa layuning makasungkit ng gintong medalya sa natu­rang torneo.

Aarangkada rin ang SLP sa Middle East Open sa Hulyo sa Dubai, at sa Bangkok Invitational Swimming Championship sa Marso sa Bangkok, Thailand.

“Kami na ang lalapit sa ating mga kapatid sa mga probinsiya para mabigyan natin sila ng pagkakataon na hindi na nila kailangang pang gumastos ng pamasahe papuntang Manila,” dagdag ni Ancheta.

SWIM LEA­GUE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with