46 pts ni Mitchell tunaw sa Jazz

Tinirahan ni Jazz guard Fil-Am Jordan Clarkson si Cavs guard Caris LeVert sa fourth quarter.
STAR/ File

SALT LAKE CITY , Philippines — Nagpaputok si Fil-American guard Jordan Clarkson ng 32 points tampok ang limang triples para tulu­ngan ang Jazz sa 116-114 pagtakas sa Cleveland Cavaliers.

Kumolekta si Lauri Markkanen ng 25 points at 16 rebounds at may tig-13 markers sina Malik Beasley, Mike Conley at Nickeil Alexander-Walker para sa Utah (21-23).

Binanderahan ni Donovan Mitchell ang Cleveland (26-16) sa kanyang 46 points at may 21 at tig-12 markers sina Darius Garland, Evan Mobley at Caris LeVert, ayon sa pagkakasunod.

Ibinangon ni Mitchell ang Cavaliers mula sa 13-point deficit para agawin ang 101-94 abante bago humataw si Clarkson para muling ibigay sa Jazz ang 115-107 kalamangan sa huling 23.1 segundo.

Sa San Francisco, kumamada si Mikal Bridges ng 26 points para sa 125-113 panalo ng Phoenix Suns (21-21) sa nagdedepensang Golden State Warriors (20-21).

Sa Miami, naglista ang Heat ng isang NBA record mula sa perpektong 40-of-40 free throws, ang huli ay galing sa three-point play ni Jimmy butler sa natitirang 12.9 segundo, sa 112-111 paglusot ng Heat (22-20) sa Oklahoma City Thunder (18-23).

Sa Philadelphia, nagposte si Joel Embiid ng 36 points at 11 rebounds sa 147-116 pagdomina ng 76ers (25-15) sa Detroit Pistons (11-33).

Sa Toronto, umiskor si Pascal Siakam ng 28 points at may 24 markers si Gary Trent Jr. sa 132-120 pagpulutan ng Raptors (18-23) sa Charlotte Hornets (11-31).

Sa Portland, umiskor si Franz Wagner ng 29 points at may 20 mar­kers si Wendell Carter Jr. sa 109-106 paggupo ng Orlando Magic (16-26) sa Blazers (19-21).

Show comments