James mabe-break ang record ni Abdul-Jabbar

Sinagasaan ni LeBron James ng Lakers si LaMelo Ball ng Hornets sa second quarter.
STAR/ File

CHARLOTTE, N.C.— Nasa target si LeBron James sa pagsira sa career scoring mark ni NBA great Kareem Abdul-Jabbar.

Humataw si James ng 43 points para sa kanyang 500 agwat sa NBA record at igiya ang Los Angeles Lakers sa 121-115 pagdaig sa Hornets.

Nagsalpak si James ng dalawang dunks mula sa alley-oops, kasama ang isang high-flying, reverse windmill slam galing sa assist ni Dennis Schroder, para sa kanyang career total na 37,903 points sa ilalim ng record na 38,387 points ni  Abdul-Jabbar.

Nag-ambag si Thomas Bryant ng 18 points at 15 rebounds habang may tig-15 markers sina Austin Reaves at Schroder para sa Lakers (16-21).

Umiskor si Terry Rozier ng 27 points sa panig ng Hornets na naipatalo ang 13 sa huli nilang 16 games at may 18 markers si LaMelo Ball.

Isang 14-0 atake ang ginawa ng Lakers sa pagbubukas ng second quarter para sa 15-point halftime lead kasunod ang ratsada ni James sa third period para ibaon ang Hornets sa 24-point deficit.

Sa New York, humataw si Kyrie Irving ng 27 points sa 139-103 pagdomina ng Brooklyn Nets (25-12) sa San Antonio Spurs (12-25) para sa kanilang ika-12 sunod na arangkada.

Sa Cleveland, nagposte si Donovan Mitchell ng record na 71 points para kumpletuhin ang pagba­ngon ng Cavaliers (24-14) mula sa 21-point deficit at talunin ang Chicago Bulls (16-21) sa overtime, 145-134.

Sa Philadelphia, nag-lista si Joel Embiid ng 42 points at 11 rebounds at may 27 markers si James Harden sa 120-111 panalo ng 76ers (22-14) sa New Orleans Pelicans (23-14).

Show comments