MANILA, Philippines — Pumalo na sa 51 katao ang naitalang nasawi at 19 ang nawawala kasunod ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa bahagi ng Visayas at Mindanao noong Christmas weekend.
Ito ang pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nitong Lunes, kung saan 16 ang nagtamo ng sugat mula sa Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at sa Davao Region
Ayon naman sa Office of Civil Defense (OCD), patuloy ang search at rescue operations para sa mga nawawala.
Umabot naman ang pinsala mula sa pag-ulan at pagbaha dulot ng shear line sa ?1.14 bilyong halaga ng imprastraktura at ?245.08 milyon sa agrikultura, kabilang ang pinsala sa irrigation systems.
Winasak ng mga pagbaha ang 4,540 bahay at naging sanhi ng paglikas ng 13,000 pamilya noong Christmas weekend.
Sinabi ng OCD na nakapagbigay ito ng ?48 milyong halaga ng tulong sa mga apektadong populasyon.