MANILA, Philippines — Inaasahang magkakaroon kaagad ng bagong koponan si Dindin Manabat matapos makipaghiwalay sa Chery Tiggo.
“The journey is not yet over. See you around,” wika ni Manabat, ang ate ni Jaja Santiago.
Inihayag ng Crossovers ang pakikipaghiwalay kay Manabat sa social media noong Huwebes ng gabi.
“Thank you, Dindin! We wish you well in all your future endeavors,” wika ng Chery Tiggo. “We thank you for the passion and years you shared with us. All the best, Dindin!”
Nagtapos ang nasabing six-year partnership na nagsimula noong 2016 kung saan dala ng Crossovers ang Foton brand.
Iginiya ng 29-anyos na si Manabat ang Chery Tiggo sa korona ng Premier Volleyball League Open Conference noong 2021 sa Bacara, Ilocos Norte.
Pumalo si Manabat ng ng 32 points sa winner-take-all Game 3 Finals laban sa Creamline.
Ngunit nagkaroon siya ng right ankle sprain noong Hulyo at hindi nakapaglaro sa Invitational Conference.
Sa kanyang pagbabalik sa Reinforced Conference ay sumalang lamang siya sa 10 laro mula sa bench.
“Six years with my UAAGI/Foton/Chery family! I am so blessed to be part of this amazing team. Marami akong natutunan from management, coaches, teammates and experiences kasama kayo,” ani Manabat.