Amer pumirma ng 1-year deal sa Bossing; Euro vet kinuhang import ng Hotshots

MANILA, Philippines — Isusuot pa rin ni Baser Amer ang uniporme ng Blackwater sa susunod na taon.

Ito ay matapos pu­mir­ma ang veteran guard ng isang one-year contract sa Bossing ni coach Ariel Van­guardia.

Maagang nasibak ang Blackwater sa elimination round ng 2022-2023 PBA Commissioner’s Cup sa na­italang 3-9 kartada kasama ang anim na sunod na kamalasan.

Nakalasap ang Bos­sing ng 97-116 kabiguan sa Rain or Shine Elasto Pain­ters sa pinakahuli nilang la­ro sa eliminasyon.

Inaasahang muling pa­mumunuan ni Baser ang kam­panya ng Blackwater sa 2023 PBA Governor’s Cup.

Samantala, kinuha ng Magnolia si European ve­teran Erik McCree sa ka­nilang pagsabak sa season-ending conference na posibleng buksan sa Enero 22.

Kumampanya ang 29-anyos na si McCree sa Europe para sa VL Pesaro (Italy), BCM Gravelines-Dun­kerque (France), Bakken Bears (Denmark), Pe­ris­teri (Greece) at Gaziantep Basketbol (Turkey).

Sumalang rin ang pro­duk­to ng Louisiana Tech sa Sioux Falls at Salt Lake City Stars sa NBA G League at saglit na nakapaglaro para sa Utah Jazz sa NBA sa 2017-18 season.

Yumukod ang Hotshots, ipinarada si Best Im­port Mike Harris, kay To­ny Bishop at sa Meralco Bolts sa Game Five ng ka­nilang semifinals series sa nakaraang PBA Governor’s Cup.

Show comments