Strong Group sasabak sa Dubai tourney
MANILA, Philippines — Bagong koponan sa katauhan ng Strong Group Philippines subalit parehong magiting na laban ang pangako nila para maibandera ang bansa sa 32nd Dubai International Basketball Championships na pinagharian na ng Pilipinas noon.
Pagmamay-ari ni graduating Ateneo player at bagong Converge assistant team manager Jacob Lao sa ilalim ng Strong Group Realty and Development Corporation ang koponang tatangkain na masundan ang yapak ng Mighty Sports Philippines noong 2020.
“Representing the country is one thing to be proud off already but I’m really excited to be part of something special with a special set of guys,” ani Lao na ihahayag ang lineup ng Strong Group ngayong linggo.
Ang Mighty na ginabayan ni St. Benilde Blazers’ coach Charles Tiu ang nagwagi noong 2020 edition ng Dubai tilt upang maging kauna-unahang non-Middle Eastern team na naghari sa torneo.
Dahil sa kanyang karanasan ay si Tiu uli ang hahawak sa Strong Group para sa torneong nakatakda sa Enero 27 hanggang Pebrero 5, 2023.
Minanduhan ni Tiu ang Caesar Wongchuking-owned na Mighty team sa 7-0 sweep sa pangunguna nina dating Gilas Pilipinas naturalized player Andray Blatche at San Miguel import Renaldo Balkman.
Kasama rin sa koponan noon sina Mikey Williams, Thirdy Ravena, Jamie Malonzo, ang magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liaño, Dave Ildefonso, Isaac Go at sina Beau Belga at Joseph Yeo.
Ayon kay Lao, sasalang na rin sa kanyang PBA debut bilang pinakabatang basketball executive sa bansa, ay nagbigay-daan ang Mighty para sa Strong Group ngayon at tiwalang mapapanatili ang korona sa Pilipinas.
- Latest