^

PSN Palaro

Yulo itinanghal na 2022 GAP-KG

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Yulo itinanghal na 2022 GAP-KG
Pinarangalan si Caloy Yulo na GAP-KG MVP sa taong 2022
STAR/ File

MANILA, Philippines — MVP Sa likod ng pambihirang performance nga­yong taon, pinarangalan si Carlos Edriel “Caloy” Yulo bilang pinakamagaling na gymnast sa Awarding Ceremony ng KG Mana­gement at Gymnastics Association of the Philippines (GAP) bago mag-Pasko sa Heritage Hotel Manila sa Pasay City.

Kinilala ang 22-anyos na gymnast bilang GAP-KG MVP for 2022 matapos ang sandamakmak na medalya sa SEA Games, Asian at World Championships.

Sa parehong awarding ceremony, pinarangalan din si PLDT Inc. (PLDT) and Smart Communications Inc. (Smart) chairman Manny V. Pangilinan (MVP) bilang Sports Godfather dahil sa hindi matatawarang suporta sa Philippine sports at gymnastics tampok ang pagpapatayo ng MVP Sports Foundation Gymnastics Center sa Intramuros, Manila.

Si Yulo ang napili ng KG at GAP bilang natatanging gymnast ng taon matapos maghari sa 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam dala ang limang ginto at dalawang pilak na medalya upang maging most bemedaled athlete doon.

Nilundag din ni Yulo ang tatlong gold at isang silver medal sa 9th Artistic Gymnastics Senior Asian Championships sa Doha, Qatar bago mag-uwi ng isang silver at isang bronze medal sa dekalibreng 41st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Liverpool, England.

“Ngayong taon ay tunay na kuminang ang Phi­lippine gymnastics. Hindi po ako makakarating dito sa kinatatayuan ko kung hindi dahil sa mga taong patuloy na sumusuporta sa akin. Magpu-pursige pa po ako pangakong di masasayang ang tiwala at suporta niyo. Let’s keep making our country proud,” ani Yulo na sinamahan ng kanyang pamilya sa natu­rang okasyon.

Kinilala din sa seremonya sina Filipina-Ame­ri­can Aleah Finnegan matapos magwagi ng dalawang ginto sa SEA Games at trangkuhan ang Philippine women’s artistic gymnastics tungo sa dalawang silver.

Maging si Munehiro Ku­gimiya, ang Japanese mentor ni Yulo at ng national men’ artistic gymnastics team, ay pinarangalan pati sina Miguel Besana (MAG), Carl Joshua Tangonan (men’s aerobics), Charmaine Dolar (women’s aerobics) at Breana Labadan (rhythmic gymnastics).

GAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with