MANILA, Philippines — Pinakawalan ng Hiroshima Dragonflies si Filipino import Justin Baltazar sa kalagitnaan ng 2022-2023 Japan B. League regular season, ayon sa anunsyo ng koponan kahapon.
“To all the fans, thank you for supporting me and the whole Hiroshima Dragonflies team. Thank you for cheering me on since day one. You will forever have a special place in my heart. I hope you’ll still support me and the rest of the team. God bless us all. Thank you very much,” ani Baltazar sa pahayag ng koponan.
Limitadong aksyon lang ang nasalangan ni Baltazar sa B. League matapos dumagdag sa humahabang listahan ng Pinoy imports doon sa ilalim ng Asian Player Quota program.
Sa kabuuan, 13 minuto sa walong laro lang pumarada si Baltazar tungo sa 2 points, 1 rebound, 1 assist at 1 steal.
Dahil dito, hindi na makakasama sa B. League All-Star Game si Baltazar bilang miyembro sana ng Asian All-Stars kasama ang 10 iba pang Filipino imports doon sa pangunguna nina Dwight Ramos ng Hokkaido, Ray Parks Jr. ng Nagoya, Kiefer Ravena ng Shiga at Thirdy Ravena ng San-en.
Swak din dito sina Matthew Wright ng Kyoto, Jay Washington ng Ryukyu (Yokohama na ngayon), Kobe Paras ng Chiba, Jordan Heading ng Nagasaki, Roosevelt Adams ng Kagawa at Greg Slaughter ng Fukuoka.
Wala pang kasiguruhan kung saan ang susunod na destinasyon ni Baltazar.