MANILA, Philippines — Pinangunahan nina Jilian Celestine Bata at JB Matthew Bata ang listahan ng mga Most Outstanding Swimmers (MOS) awardees sa 2022 FINIS Long Course National Championship na ginanap sa New Clark Aquatic Center sa Capas, Tarlac.
Humakot si Jilian ng gintong medalya sa girls’ 13-14 class 100m back (1:19.61), 50m fly (34.44), 100m fly (1:21.39) at 50m back habang pumangalawa ito sa 200m IM (3:03.75), 100m breast (1:44.20) at 50m free (31.61).
Hindi rin nagpakabog si JB Matthew na nanguna naman sa boys’ 11-12 100m back (1:19.67), 50m back (36.07) at 50m butterfly (35.30) at pumangalawa sa 200m IM (2:58.76), 100m fly (1:29.43), 100m breast (1:31.48) at 50m free (31.60).
Nakasiguro rin ng MOS award si Trixie Ortiguera ng Tarlac Aquatics Swim Club sa girls’ 15-16 class matapos makaginto sa 100m backstroke (1:11.26), 50m fly (30.78) 50m free (28.86), 200m IM (2:43.28), 100m fly (1:15.45), 50m back (32.30), at tanso sa 100m breast (1:31.92).
Wagi naman ng ginto si Kail Dominic Kahulugan ng Kidapawan Long Wave Swim Team sa 100m fly (2:05.06) at 50m fly (56.02) habang nanaig naman si Gideon Ancheta ng Marikina Poseidon Swimming sa boys’ 7-8 100m backstroke (2:05.06) at 50m fly (46.32).
Ang iba pang MOS awardees ay sina Pia Severina ng Sharpeedo sa 6-under, Arriane June Cesista ng Thresher Skark sa 7-8 class, Lofiel Angelie Posadas ng Megakraken sa 9-10 boys, Theodore Tanpinco at Jeush Tibus sa 11-12 girls, Kyle Marie Belicena isa 11-12 boys at Jarold Kesley Camique sa girls 15-16.