MANILA, Philippines — Nagpasiklab sina Kail Dominic Kahulugan at Gideon Ancheta sa kani-kanyang events habang nagningning din sina Noel Celwyn Cartera at Adriana Yulo sa pagsisimula ng 2022 FINIS Long Course National Championships sa New Clark Aquatic Center sa Capas, Tarlac.
Winalis ni Kahulugan ang lahat ng limang events nito kabilang ang pamamayagoag sa 50m freestyle sa bilis na 49.57 segundo.
Nakasiwkat din ito ng ginto sa 100m breaststroke (2:26.05), 200m individual medley (4:20.90), 100m butterfly (2:06.00), at 50m backstroke (57.62).
Naramdaman din ang puwersa ni Ancheta na humataw sa boys 7-year-old class kung saan naghari ito sa 200m IM (3:43.71), 100m fly (2:02.42), 50m back (52.30), 100m breast (2:05.56) at 50m free (42.40).
Dahil dito, sigurado na sina Kahulugan at Ancheta na mauuwi nito ang Most Outstanding Swimmer (MOS) Award.
“Let me assure all Filipino swimmers that FINIS will doing its best to provide the right platform in their quest for sports excellence. Hangga’t may swimmers may tournament tayo sa FINIS. Next year, we’re planning a much bigger tournaments,” ani FINIS Philippines Managing Director Vince Garcia.
Ipinagmalaki ni Garcia na pinalawak nito ang swimming program ng FINIS dahil maliban sa regular swimmers, may events din para sa mga differently abled athlete at special children.
Nanguna sina Cartera at Jarreth Dean Henthorne - parehong may Moderate Autism with Severe mental/intellectual Disability - sa mga nanalo sa boys 19-over class.
Nakaginto si Cartera sa 50m free (27.54), 200m IM (2:38.45), 100m fly (1:10.38), 50m back (33.37), at 100m breast (1:26.17).