^

PSN Palaro

Valdez namasyal sa New York

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Valdez namasyal sa New York
Alyssa Valdez of the Creamline Cool Smashers.
PVL

MANILA, Philippines — Matapos ang pukpu­kang kampanya sa taong ito, pagkakataon naman ni Creamline team captain Alyssa Valdez na makapagpahinga at makapagbakasyon.

Sinamantala ni Valdez ang off season para makagala.

Nagtungo si Valdez sa New York City kasama ang teammates nitong sina Michele Gumabao at Ella De Jesus.

“Grateful to have seen this during our flight for a quick break. A reminder that pain is real but so is hope,” ani Valdez sa kanyang post sa Instagram.

May ilang post din si Valdez na kasama nito ang iba pang volleyball players gaya nina Sasa Devanadera, Angela Benting at Amanda Villanueva.

Bumisita sina Valdez, De Jesus at Gumabao sa pamosong Times Square sa New York at sa Metropolitan Museum of Art suot ang kanilang winter clothes lalo pa’t malamig na ngayon sa Amerika.

Magandang pagkaka­taon ito para makarekober.

Matatandaang nagtamo ng injury si Valdez sa Game 2 ng battle-for-bronze match ng Creamline kontra sa Chery Tiggo sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Matapos ang MRI, masayang ibinalita ng pamunuan ng Creamline na walang dapat ipangamba sa injury ni Valdez dahil hindi na ito mangangaila­ngan pa ng operasyon.

Sa taong ito, dalawang korona ang nasungkit ng Cool Smashers — ang Open Conference at Invitational Conference.

ALYSSA VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with