Hornets bagsak sa Nets
NEW YORK — Umiskor si Kyrie Irving ng 33 points kasunod ang 29 markers ni Kevin Durant para banderahan ang Brooklyn Nets sa 122-116 panalo sa Charlotte Hornets.
Nag-ambag si Seth Curry ng 20 points para sa pang-limang ratsada ng Nets (14-12) sa huling anim na laro.
Kumamada naman si Terry Rozier ng 29 points at may 28 markers si Kelly Oubre Jr. sa ikatlong dikit na kabiguan ng Hornets (7-18).
Kinuha ng Brooklyn ang 23-point lead sa pagsisimula ng third quarter, ngunit nakadikit ang Charlotte sa 107-109 sa 6:28 minuto ng fourth period.
Muling ipinasok si Durant at nakipagtambal kay Irving para ilayo ang Nets sa 113-107.
Sa Phoenix, kumamada sina Jayson Tatum at Jaylen Brown ng tig-25 points at nag-ambag si Malcolm Brogdon ng 16 markers sa 125-98 demolisyon ng Boston Celtics (21-5) sa Suns (16-9).
Sa Milwaukee, humakot si Giannis Antetokounmpo ng 35 points, 7 assists at 6 rebounds sa 126-113 dominasyon ng Bucks (18-6) sa Sacramento Kings (13-10).
Sa Toronto, nagtala si Pascal Siakam ng 25 points at 10 rebounds sa 126-113 paggupo ng Raptors (13-12) sa Los Angeles Lakers (10-4) na naglaro na wala sina LeBron James at Anthony Davis.
Sa Salt Lake City, ang dunk ni Simone Fontecchio sa huling 1.4 segundo ang gumiya sa Utah Jazz (15-12) sa 124-123 paglusot sa nagdedepensang Golden State Warriors (13-13).
Sa Orlando, iniskor ni rookie Pablo Banchero ang 10 sa kanyang 23 points sa overtime sa 116-111 paggiba ng Magic (6-20) sa LA Clippers (14-12).
- Latest