MANILA, Philippines — Imbes na sa sa homecourt, dadayo na ngayon ang San Miguel Beermen at TNT Tropang Giga para ibandera ang PBA at Pilipinas sa Champions Week ng East Asia Super League sa Marso 1-5, 2023.
Sa Manila sana unang plano ng EASL na ganapin ang Champions Week bago i-relocate sa Japan subalit sa kabila nito ay inaasahan ang parehong gilas na ipapamalas ng Philippine representatives.
Nasikwat ng SMB at TNT ang karapang kumatawan sa Pinas matapos maging kampeon at runner-up ng 2022 PBA Governors’ Cup.
Sa Japan, makakasagupa nila ang champion na Utsunomiya Brex at runner-up Ryukyu Golden Kings ng Japan B. League, champion Seoul SK Knights at runner-up Anyang KGC ng Korean Basketball League pati ang P. League+ champion Taipei Fubon Braves ng Taiwan at Bay Area Dragons ng Greater China, na sumasalang din bilang guest team sa idinaraos na 2022 Governors’ Cup.
Nauwi sa Champions League ang format ng EASL mula sa original na home-and-away format para sa inaugural Season 1 bilang unang regional league sa Asya tampok ang kampeon ng iba’t ibang liga.