May maganda nang hinaharap sa Philippine swimming — Buhain
MANILA, Philippines — Naniniwala si swimming legend Eric Buhain na magkakaroon na ng ningning ang Philippine swimming dahil inaayos na ng International Swimming Federation (FINA) ang programa sa aquatic sports.
Nais ni Batangas 1st District Rep. Buhain na makalsuhan na ang mga kontrobersyal at problema sa swimming kaya naman suportado nito ang hangarin ng FINA at ng mga lokal na sports organization na mapabuti muli ang nasabing sport.
“And I believe our young and talented Filipino swimmers will soon see calm and crystal-clear waters at the end of the bridge, and get back into hauling golds out of the pool for our country,” ani Buhain.
Naging emosyunal si Buhain ng bawiin ng world swimming governing body Federation International de Natation o International Swimming Federation kilala sa acronym na FINA ang pagkilala sa Philippine Swimming Inc. (PSI) board at nagtatag ng stabilization committee para patakbuhin ang aquatic sport sa bansa.
Binigyan din ng FINA ng kapangyarihan ang komite ng stabilization na “isagawa ang nararapat at kinakailangang mga pagbabago sa Konstitusyon ng (PSI), ayusin at magsagawa ng bagong halalan.”
“The FINA Bureau discussed various complaints received by the FINA Office concerning matters of inter alia poor governance principles within your National Federation,” nakasaad sa FINA memo.
Sa pamumuno ni PSI president Lani Velasco, pinutakte ito ng batikos ng palitan ang pangalan ng dating Philippine Amateur Swimming Association (PASA) kasunod ang pagbabago sa komposisyon ng Board na naging dahilan sa pagkawala ng mga old-timer at Olympians sa asosasyon.
Kaya naman naging masaya si Buhain dahil mismong ang FINA na ang mag-aayos ng liderato ng PSI.
- Latest