Pacquiao itinangging nandaya siya sa 2000 fight na ibinulgar ng referee

Litrato ni Manny Pacquiao habang nag-eensayo
Mula sa Instagram account ni Manny Pacquiao

MANILA, Philippines — Pinasinungalingan ng "Pambansang Kamao" na nandaya siya upang mapagwagian ang laban niya kay Nedal Hussein 22 taon na ang nakalilipas, bagay na usap-usapan sa ngayon.

Kamakailan lang kasi nang aminin ng Filipino referee na si Carlos Padilla na sinadya niyang tulungan si Manny Pacquiao noong October 10, 2000 upang manalo laban sa Australyano sa kanilang WBC international super bantamweight title bout.

"Hindi naman daya. Pinaboran lang tayo. Pabor lang siguro siyempre homecourt [advantage]," kwento niya sa ABS-CBN News nitong Miyerkules tungkol sa laban na nangyari noon sa Ynares Center, Antipolo.

"And then as a boxer, ginawa ko lang naman 'yung dapat kong gawin. Ako naman boxer lang ako, ginagawa ko lang 'yung trabaho ko sa taas ng ring. That's his problem, not mine."

Sa panayam kay Padilla na in-upload ng World Boxing Council sa Youtube, na sadya niyang pinahaba ang bilang nang ma-knockdown ni Hussen si Pacquiao noong fourth round. Dahil dito, nabigyan pa tuloy ng pagkakataon si Manny na makatayo.

Idineklara rin daw ni Padilla na "suntok" ang sugat na tinamo ni Hussein sa kaliwang mata. Pero sa katunayan, "head butt" daw talaga ito.

"I’m Filipino, and everybody watching the fight is Filipino, so I prolonged the count. I know how to do it. When he got up, I told him, ‘Hey, are you okay?’ Still prolonging the fight. ‘Are you okay?’ ‘Okay, fight!’” sabi ng referee.

"If there is a head butt, you have to stop the fight and declare to the judges a point deduction. But I didn’t do that, meaning the fight could continue."

Review inilunsad

Kaugnay ng kontrobersiya, nagtayo na ng special panel ang WBC patungkol sa naturang mga komento ni Padilla, na siyang naging laban ng kontrobersiya nitong mga nagdaang araw sa mundo ng palakasan.

"The World Boxing Council has established a special panel to review the situation about Legendary Referee Carlos Padilla with regards to some comments during an interview published by The WBC a few days ago," ani WBC president Mauricio Sulaiman.

"I will personally follow the process in the meantime, The WBC will not make any further public comments."

Inilabas ni Sulaiman ang statement matapos sumulat ang anak ni Padilla na si Suzy bilang depensa sa mga pahayag ng ama, na "misconstrued" at "misinterpreted" lang daw, lalo na't 88-anyos na ang referee at hindi sing tatas daw sa Inggles.

Tinawag namang kriminal ni Hussein si Padilla dahil sa kanyang ginawa, ito habang inililinaw na wala siyang masamang tinapay kay Pacquiao.

Pero naniniwala siyang dapat maparusahan ang referee: "I'm a big fan of Manny... But Carlos Padilla is nothing more but a criminal," wika niya sa panayam ng CNN Philippines.

"He violated the rules, he manipulated the rules and he should be accountable for what he did. He should be acountable for what he did. Take him out of the [Nevada Boxing] Hall of Fame."

Show comments