MANILA, Philippines — Hindi na magiging bahagi ng anumang sports team ng Jose Rizal University ang basketball player na si John Amores matapos ang panununtok sa isang NCAA game laban sa players ng College of Saint Benilde.
Ito ang ibinalita ng GMA News, Martes, isang linggo matapos niya unang mapatawan ng indefinite suspension dahil sa kanyang aksyon na ikinaospital ng ilang manlalaro. Humaharap din siya sa reklamong "multiple physical injuries."
Related Stories
"Contingent with this action: (i) all privileges accruing to Mr. Amores as a student-athlete have been canceled; and (ii) based on the Student Manual of the University, he has been further meted out the penalty of suspension from his classes and has been required to undergo community service," sabi ng JRU sa isang pahayag.
"Mr. Amores will also be provided counseling and help to cope with the strain of what has taken place in his young life."
Bago ito, hinainan din ng criminal complaint si Amoes matapos niyang suntukin ang isang 18-anyos na recruit ng UP Men's Basketball Team na si Mark Belmonte matapos makaharap ng JRU nitong Hulyo.
Matatandaang biglang itinigil ang laro sa pagitan ng CSB at JRU noong ika-8 ng Nobyembre dahil sa pag-aamok ni Amores kahit na may 3:22 pang nalalabing oras. Nanalo ang Benilde.
Lunes lang nang sabihin ng dating basketball coach at Quezon City Rep. Franz Pumaren sa kanyang priviledge speech na dapat parusahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas si Amores dahil sa kanyang inasal.