Creamline babangon sa kabiguan
MANILA, Philippines — Makabalik sa porma ang hangad ng Creamline sa pagsagupa sa Philippine Army sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum.
Magtutuos ang Cool Smashers at Lady Troopers ngayong alas-2:30 ng hapon at susundan ng laro ng defending champion Petro Gazz at Chery Tiggo sa alas-5:30 ng hapon.
Sariwa pa ang Creamline sa five-set loss sa F2 Logistics para lasapin ang kanilang unang kabiguan.
Hahataw para sa Cool Smashers sina import Yeliz Basa, team captain Alyssa Valdez, Jema Galanza, Jeanette Panaga, Ced Domingo at Jia Morado.
Sibak na ang Lady Troopers sa torneo sa kanilang 0-6 marka.
Magkasalo sa unahan ng standings ang Cool Smashers at Crossovers hawak ang magkatulad na 5-1 marka kasunod ang Gazz Angels, Cargo Movers at Cignal na may pare-parehong 3-2 baraha.
Swak na sa semis ang Creamline at Chery Tiggo.
Kaya magiging pukpukan ang mga laro ng Gazz Angels, Cargo Movers at HD Spikers at ng Choco Mucho at PLDT Home Fibr para sa semis berth.
- Latest