Tropang Giga hari sa 1st Leg ng PBA 3x3

Hinirang na kampeon ang TNT Tropang Giga sa Leg 1 ng PBA 3x3 Season 2 Second Conference.

MANILA, Philippines — Isang buzzer-beating shot ni Gryann Mendoza ang nagbigay sa TNT Tropang Giga ng 17-15 panalo kontra sa Platinum Karaoke para angkinin ang Leg 1 crown ng PBA 3x3 Season 2 Second Conference kahapon sa Robinsons Place Antipolo.

Naitabla ni Nico Salva ang Platinum sa 15-15 sa huling pitong segundo kasunod ang pagbibida ni Mendoza para tulungan ang TNT na ibulsa ang premyong P100,000.

Ito ang ikalawang sunod na kampeonato nina Mendoza, Almond Vosotros, Ping Exciminiano at Lervin Flores ng Tropang Giga matapos pagha­rian ang First Conference Grand Finals kamakailan.

Ang Platinum din ang kanilang pinadapa para sa nasabing titulo.

Napasakamay ng Pla­tinum team ang P50,000.

 

 

Show comments