Tropang Giga hari sa 1st Leg ng PBA 3x3
MANILA, Philippines — Isang buzzer-beating shot ni Gryann Mendoza ang nagbigay sa TNT Tropang Giga ng 17-15 panalo kontra sa Platinum Karaoke para angkinin ang Leg 1 crown ng PBA 3x3 Season 2 Second Conference kahapon sa Robinsons Place Antipolo.
Naitabla ni Nico Salva ang Platinum sa 15-15 sa huling pitong segundo kasunod ang pagbibida ni Mendoza para tulungan ang TNT na ibulsa ang premyong P100,000.
Ito ang ikalawang sunod na kampeonato nina Mendoza, Almond Vosotros, Ping Exciminiano at Lervin Flores ng Tropang Giga matapos pagharian ang First Conference Grand Finals kamakailan.
Ang Platinum din ang kanilang pinadapa para sa nasabing titulo.
Napasakamay ng Platinum team ang P50,000.
- Latest