^

PSN Palaro

Walang makapigil sa FiberXers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Walang makapigil sa FiberXers
Pinilit habulin ni NLEX guard Kevin Alas ang tres ni Aljun Melecio ng Converge.

MANILA, Philippines — Kahit wala si import Quincy Miller sa second half ay nanalo pa rin ang mainit na Converge.

Nagsalpak si point guard Aljun Melecio ng career-high na 24 points para pamunuan ang FiberXers sa 108-84 paggiba sa NLEX Road Warriors sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ang pang-limang sunod na pananalasa ng Converge ang nagbigay sa kanila ng 6-2 record kasosyo ang guest team na Bay Area sa second spot sa ilalim ng Magnolia (5-1).

Ito ang ikalawang dikit na kabiguan ng NLEX na nagbaba sa kanila sa 3-4.

Nasibak si Miller, tumapos na may 15 points, sa 1:18 minuto ng second period kung saan bitbit ng FiberXers ang 58-33 bentahe matapos matawagan ng flagrant foul penalty one.

“I just told the players to rely on the system, especially that our main man was out,” ani coach Aldin Ayo sa kanyang mga bataan.

Ito ang sinamantala ng Road Warriors para putulin ang 26-point deficit sa 70-80 sa unang apat na minuto ng fourth quarter sa pamumuno nina Kevin Alas at Philip Paniamogan.

Ginawa ito ng NLEX kahit nasa bench si import Earl Clark.

Naghulog naman ang Converge ng 16-6 bomba sa likod ni Melecio para mu­ling makalayo sa 96-76 sa 4:52 minuto ng bakbakan.

Hindi na ito napaliit ng Road Warriors na nakahugot kay No. 1 overall pick Brandon Ganuelas-Rosser ng 24.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with