MANILA, Philippines — Mainit si Will Gozum para tulungan ang College of Saint Benilde na manatili sa tuktok ng standings sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament.
Laban sa Jose Rizal University ay kumana ang 6-foot-7 cager ng career-high na 34 points mula sa 13-of-17 shooting clip para buhatin ang Blazers sa 92–79 panalo.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nagsumite si Gozum ng career-high ngayong season kung saan nalampasan niya ang kanyang unang career-best na 25 markers sa 85-72 paggupo ng St. Benilde sa Mapua noong Oktubre 19.
Itinanghal si Gozum na NCAA Player of the Week.
“I’m happy na naka-career high ako pero sana magtuluy-tuloy pa rin kami,” ani Gozum sa Blazers.
Tinalo ni Gozum sina Cade Flores ng Arellano Chiefs, Tony Ynot ng San Beda Red Lions, Rhinwil Yambing ng San Sebastian Stags at Louie Sangalang ng nagdedepensang Letran Knights.