Phase 3 ng donation nakumpleto ni Diaz

MANILA, Philippines — Nakumpleto na ni Tok­yo Olympics gold meda­list Hidilyn Diaz-Naranjo ang Phase 3 ng kanyang do­­nasyon ng weightlifting equipment sa Cebu.

“It’s 660 days before Paris Olympics, nakumpleto namin ang Phase 3 ng #TeamHD grassroots ini­tia­tive sa Cebu,” wika ng 31-anyos na si Diaz sa kan­yang social media post.

“Lubos kaming nagpa­pa­salamat sa mga sumu­su­porta at patuloy na nanini­wala sa aming misyon,” dagdag pa ng Pinay weightlifter.

Noong nakaraang linggo ay namahagi ang Team HD ng weightlifting equipment sa apat na weightlif­ting gyms sa Cebu.

Nauna nang nakumpleto ni Diaz ang Phase 1 at Phase 2 ng kanyang dona­tions sa tatlong sangay ng Armed Forces of the Phi­lip­pines (AFP).

Nagbigay rin si Diaz ng equipment sa tatlong Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila.

Ang pagsalang sa 2024 Olynpics sa Paris, France ang magiging pinakahuling  torneo na sasalihan ni Diaz bago siya mag­re­tiro. 

Show comments