Phase 3 ng donation nakumpleto ni Diaz
MANILA, Philippines — Nakumpleto na ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang Phase 3 ng kanyang donasyon ng weightlifting equipment sa Cebu.
“It’s 660 days before Paris Olympics, nakumpleto namin ang Phase 3 ng #TeamHD grassroots initiative sa Cebu,” wika ng 31-anyos na si Diaz sa kanyang social media post.
“Lubos kaming nagpapasalamat sa mga sumusuporta at patuloy na naniniwala sa aming misyon,” dagdag pa ng Pinay weightlifter.
Noong nakaraang linggo ay namahagi ang Team HD ng weightlifting equipment sa apat na weightlifting gyms sa Cebu.
Nauna nang nakumpleto ni Diaz ang Phase 1 at Phase 2 ng kanyang donations sa tatlong sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nagbigay rin si Diaz ng equipment sa tatlong Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila.
Ang pagsalang sa 2024 Olynpics sa Paris, France ang magiging pinakahuling torneo na sasalihan ni Diaz bago siya magretiro.
- Latest